Pagkagaling sa Columbarium ay dinala nga ni Joseph si Christine sa tabing dagat. Umabot din ng halos dalawang oras ang biyahe nila. Hinayaan ni Joseph na makatulog si Christine. Nang tumigil ang sasakyan ay nagising si Christine at namangha sa tumambad na tanawin. “Ang ganda.” Agad itong bumaba at bumaba na din si Joseph. Kitang kita niya ang pagpikit ni Christine nang madampian ng hangin sa mukha sabay napangiti pa ito. Sa nakita ni Joseph ay naisip niyang tama lang na dinala niya si Christine dito. Naglakad lakad lang sila sa kahabaan ng daan at napatigil sa isang kainan. Hinawakan ni Joseph si Christine sa kamay at hinatak papasok. “Halika...kumain na muna tayo. Mamaya kapag bumaba na ang araw, saka na tayo lumakad malapit sa dalampasigan.” Tumango naman si Christine at lumakad