Sumapit na ang araw ng paglipat ni Christine ng opisina. Sa lumipas na isang buwan, mabilis na nakahanap ang mga tao ni Gab ng mari-rentahang office. Pansamantala ay pwede na kay Christine na mag-renta lang muna. Maganda na ang interior ng opisina kaya konting ayos na lang ang ginawa dito. Halos buong palapag ito ng isang commercial building, may apat na kuwarto na tamang tama para kay Christine, sa staff niya, training room, at pantry. Bukod sa mga kuwarto ay may receiving area ito kung saan pwedeng tumanggap ng mga clients. Tatlo sa mga dati nang empleyado ng AIC ang sumama kay Christine. Si Arlene at Sonny ay kapwa galing sa Sales Department. Ang isa naman ay si Annie na galing sa Admin. Siya na din ang pansamantalang tatayo bilang Customer Service Rep. Nagpapahanap pa si Christine ng