Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang hapon, nang umuwi si Tristan mula sa school, napansin ni Christine na matamlay ito. Ayaw lumabas ng kuwarto nang yayain na para magdinner kinagabihan. Naisip ni Christine na nag-iinarte lang talaga si Tristan at gusto lang siyang kulitin para makita si Gab. Hindi naman niya ito masisi dahil alam niya na ganun ito kalapit sa ama niya. “Ate, inaapoy po ng lagnat si Tristan!” Tarantang taranta si Jepoy nang tawagin si Christine mula sa kusina. Tinakbo agad nina Christine at Joseph si Tristan sa ospital. Habang nilalapatan ng paunang lunas sa emergency room, hindi na mapakali si Christine. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Tristan. Lalong hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Gab kapag nagtanong ito. Baka sabihin