MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW. Naging abala nang muli sa kumpanya si Gab. Si Christine naman ay regular pa din na uma-attend sa therapy sessions at unti-unti nang bumabalik sa dati. Bumalik na din ang sigla niya sa pakikipaglaro sa mga bata. Naging maasikaso na uli si Christine sa kanila. Minsan naman ay sasadyain ni Gab na maglambing kapag nakaharap sila sa mga bata. Naaabutan niya si Christine sa umaga na naghahanda ng almusal nina Tristan at Jepoy bago pumasok sa school. Habang nakaupo ang mga ito sa lamesa at si Christine ay abalang gumawa ng sandwich, lalapitan niya ito at yayakapin mula sa likuran. “Good morning, mahal.” Pagkatapos ay hinahalikan ni Gab si Christine sa may bandang tenga nito. Nakakaramdam si Christine ng kakaibang sensasyon kapag ginagawa ito ni Gab. At alam di