Nang makabalik na sina Christine mula sa doctor ay nagkaroon ng bagong ideya si Christine. Sinabi ng doctor na nalagpasan na niya ang critical stage ng post-partum depression at pwedeng pwede na niyang gawin lahat ng gusto niyang gawin. The doctor even mentioned na she’s now fit to work. Hindi ito naalis sa isip ni Christine. Ano kaya kung mag-work ako uli? Parang iyon nga ang sagot sa nararamdaman kong kulang sa akin. Ngayon ay sigurado na si Christine na iyon ang hinahanap niya na kulang sa buhay niya. Yung bumalik siya sa dati kung ano siya nang makilala ni Gab. Noon pa man ay nagta-trabaho na siya kahit na anak na niya si Tristan. Pero iba ang sense of fulfilment na hatid sa kaniya nung magtrabaho siya sa kumpanya. Naipapakita niya ang self-worth niya at mas mataas ang self-esteem n