Chapter 6

1943 Words
Chapter 6   Matapos kong mapagbagsakan ng phone si Charlie, matagal bago ako nakahuma sa pagkainis ko sa kapreng Frank na ‘yon. Bagay lang naman sa kanya ang tawag ko dahil sa sobrang tangkad n’ya, pwede na nga talaga s’yang mapagkamalang kapre.   Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ko bago ako umupo at sumandal sa headboard ng kama. My eyes passed by one of the picture frames na nakapatong sa side-table and I smiled as I saw my three bestfriends standing beside me as we smiled at the camera. The photo was taken back when we were in second year college at the freedom park inside the school.   ---   “Mag-isa ka?” Isang maputi at matangkad na lalaki ang nagtanong sa akin habang nagbabasa ako ng Basic Accounting book habang nakaupo sa isa sa mga bench sa freedom park. Nakatingin s’ya sa akin and he was smiling widely so I assumed he was referring to me, kaya medyo ngumiti din ako.   “Ahh, oo. Bakit?” Tanong ko sa kanya and his smile widened further.   “Okay lang, tabi tayo?” Magiliw n’yang tanong kaya nakagaanan ko na s’ya ng loob at tumango ako.   “Sure. Upo ka.” Sabi ko at medyo umusog ng upo para bigyan s’ya ng space.   Nakilala ko si Carlito “Charlie” Dumalit, noong first year pa lang ako. S’ya ang pinakaunang nag-approach sa akin noong bago pa lang ako sa school at wala pang kahit isang kaibigan and eventually, s’ya na rin ang pinaka-una kong naging bestfriend. BSA student pa si Charlie noon at pareho kami ng course, kaya lang dahil sa hindi naman ‘yon ang gusto n’ya, palihim s’yang nag-shift ng course from Accountancy to Tourism nung second sem. Bagay naman ang bagong course n’ya sa personality n’ya dahil bukod sa matangkad itong si Charlie ay gwapo din. Nung una, nagalit yung parents n’ya pero natanggap din naman nung nakita nilang nage-excel si Charlie sa klase. Ang hindi nila alam, kaya ginagalingan ni Charlie sa klase ay dahil nagpapa-impress ito sa mga gwapong kaklase.   Pero maliban sa napakaraming crush nitong si Charlie, may iisang lalaki pa rin ang nangingibabaw sa kanilang lahat. At ‘yan ay walang iba kung hindi si Garett.   ---   “Miss, ano'ng hinahanap mo?”   Nasa library naman ako noon nang may isa na namang lumapit sa akin na lalaki. Mas matangkad s’ya kay Charlie. Tingin ko ay nasa 5’10 ang height n’ya, medyo maputi din s’ya pero mas maputi ng hamak si Charlie.   Tumingin ako sa nagsalita at medyo ngumiti na rin dahil sa nakangiti s’ya sa akin.   “Ahh. Accounting book. Partnership and Corporation.” Sabi ko and he nodded.   “Hmm. Okay wait…” sabi n’ya at may tiningnan s’yang book sa shelves then nang makita n’ya na ‘‘yon, walang kahirap-hirap na inabot n’ya iyon saka inabot sa akin. “Here, I recommend this book. Mas madaling intindihin saka may mga problems na rin.” Sabi n’ya at pagtingin ko sa book ay nagulat ako dahil iyon yung exact book na hinahanap ko.   “Ay, eto yung book na hinahanap ko. Salamat ha?” Sabi ko sa kanya at akmang aalis na sana pero agad n’ya akong pinigilan.   “Wait…” pigil n’ya at napahawak pa sa braso ko. Tumingin ako sa kanya then sa kamay n’ya at agad din naman n’ya iyong tinanggal. “Sorry.” He murmured but smiled again.   “Ano ‘yon?” Tanong ko.   “May kasama ka ba?” Tanong n’ya and his eyes looked hopeful. I tilted my head to the side.   “Umm, wala naman. Bakit?” Tanong ko habang nagtataka.   “Gusto mo sama ka sa amin? I mean, dalawa lang kasi kami laging magkasama nung kaibigan ko, so I thought I wanted to befriend with other students here.” He explained and his smile was so contagious that I couldn’t say no.   “Ahm, s-sige.” Sagot ko and he beamed then lead me to where their table was habang nakahawak sa kamay ko.   Matalino, lalo na sa accounting subject. Minsan natataasan pa n’ya ako sa accounting kahit na nasa Block 1 ako at s’ya naman ay sa Block 2. Nagku-compare kasi kami ng scores everytime na darating yung result and since pareho kami ng professor, lagi ring pareho ang content ng exams namin.   Sweet and very thoughtful, lalo na sa aming mga bestfriends n’ya. Napaka-generous din dahil tuwing maga-out-of-town sila ng family n’ya ay lagi kaming may pasalubong, o kaya naman ay pag naisipan lang n’ya, bigla na lang s’yang manlilibre ng lunch. Hindi na rin siguro kailangan pang i-mention how friendly he was at kung gaano s’ya kabait.   Mayaman. Like I said, hindi lilipas ang taon na hindi sila umaalis ng bansa ng family n’ya para lang mamasyal. Dalawa lang silang magkapatid ng kuya n’ya pero I never felt na spoiled brat s’ya. Down to earth, family oriented at talaga namang magaling makisama.   ‘Yan si Garett Salvador.   Sa physical appearance naman, sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko s’ya nagu-gwapuhan. May pagka-singkit si Garett, matapos ang ilong at mamula-mula ang mga labi. Smiling face s’ya kaya mas lalo pa iyong nagpapadagdag sa kagwapuhan n’ya. At kahit na marami sa mga kaklase ko at kaklase n’ya, pati na rin sa ibang department ang nagkaka-crush sa kanya, he was never the cocky type of guy na sobra kung magmayabang. Maganda din ang built ng katawan n’ya since his hobby was running and swimming.   ---   “Dito tayo.” I heard Garett said as he lead me towards their table. Pagkarating namin doon, isang magandang babae ang nakaupo na doon at walang humpay sa pagse-selfie.   Pinaupo ako ni Garett sa tapat nung magandang babae at s’ya naman ay tumabi dito. Nang mamalayan nung babae ang pagdating namin, tumingin muna s’ya kay Garett then sa akin at matamis na ngumiti.   Una munang nagpakilala si Garett, then matapos kong sabihin ang pangalan ko, tumingin naman ako dun sa babae and then she gladly introduced herself, “hi Steph, I’m Melissa. Melissa Cordova.” She said as she shook my hand.   Nung mga oras na ‘‘yon, pakiramdam ko ay bigla akong nakatagpo ng Mr. And Ms. Perfect.   Kung si Garett kasi ay sobrang impressive na ng personality from A to Z, ito namang si Melissa ay ganun din.   Although hindi man ganun katalino si Melissa, bumawi naman s’ya sa kabi-kabilang talent. At such a young age, she was already able to perform at numerous stages sa buong Pilipinas. Currently, Melissa was the President of the school’s Theater Guild and everytime they had a play, she would always be the lead actress of the show. Mel was very flexible and versatile and she could do all sorts of acts, from drama, to comedy, to horror. Magaling din s’yang kumanta at sumayaw kaya naman sumikat itong bestfriend ko na ‘to sa school namin.   Mass Communication ang course ni Melissa and since her dream was to be featured in the television, she was doing her best to excel at her chosen course.   Needless to say, maganda talaga si Mel. Long brown hair na hanggang bewang ang haba, big brown eyes and well-defined nose with red kissable lips. She stood 5’6 and her body was a to-die-for na malimit na kinaiinggitan ng mga nakakakita sa kanya. Maputi din s’ya at alaga din sa salon at spa kaya naman nami-maintain talaga n’ya ang kagandahan.   Lawyer ang daddy ni Mel and Doctor naman ang mommy n’ya. Their family was closely bonded and I guessed, that’s where Mel got her very excitable and positive attitude dahil mabait talaga ang family members n’ya. And though may pagka-kikay si Mel, masiyahin at sobrang daldal, I was never able to guess kung sino ang maswerteng lalaki na minamahal n’ya.   Pagdating kasi sa puso ay sobrang secretive ni Mel. And even if she would always tell us kung sino ang ‘flavor of the month’ n’ya, meaning ay crush. Hindi naman n’ya sinasabi kung sino nga ba talaga ang mahal n’ya unlike Charlie na very vocal pagdating sa pagkakagusto kay Garett.       Noon din, madalas akong makaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko kasi, sobrang alangan ako para makipag-kaibigan sa kanilang tatlo dahil bukod sa hindi naman kami ganun kayaman, ay hindi rin naman ako laging nakakabili ng mga damit na sabay sa uso. Habang silang tatlo ay laging ‘in’ ang style at ako naman ay laging t-shirt, jeans at sling bag lang.   Per yung pagkailang ko na ‘yon ay hindi rin naman nagtagal dahil napatunayan naman nila sa akin na it didn’t really matter whether I was rich or not. We were friends and that’s what matter. We embraced each other’s differences kahit na hindi maiiwasan yung minsanang tampuhan, but at the end of the day, we would always compromise and get back together.     “Steph, sama ka na sa amin ha?” Narinig kong sinabi ni Melissa sa akin and I smiled shyly at her. Naisip ko agad si Charlie na malamang ay paparating na rin noon sa library. At hindi nga nagtagal ay nakita ko na s’yang lumalakad palapit sa kinalalagyan namin.   “Stephie!” Tawag sa akin ni Charlie at saglit s’yang pinagtinginan ng mga estudyante but Charlie was never one to mind and he just continued on walking towards us.   “Charlie.” Tawag ko sa kanya and smiled when he sat beside me. Ngumiti din s’ya sa akin then sa mga kasama namin sa table.   “Sino sila, Stephie?” Tanong ni Charlie habang nakakunot ang noo.   I smiled at Garett and Melissa then introduced Charlie.   “Ah, Garett, Melissa, si Charlie nga pala. Friend ko. Charlie, sina Mel and Garett…”   “Hi, I’m Charlie.” Bago pa ako makatapos sa introduction speech ko, inunahan na ako ni Charlie at kinamayan si Mel na s’ya namang nagulat dahil sa bilis nitong binitiwan ang kamay n’ya saka bumaling kay Garett na nakangiti lang at parang natutuwa. “Hi, I’m Charlie.” Pa-demure pang pakilala ni Charlie kay Garett saka pinapalantik pa ang mga mata then kinamayan si Garett.   Ang problema, ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi pa rin binibitawan ni Charlie ang kamay ni Garett. Kami pa yata ang nao-awkward-an kay Charlie kaya naman ako na mismo ang bumasag sa kahibangan nitong kaibigan ko.   “Ehem. Ahh Charlie, okay na. Nakamayan mo na si Garett. Pwede mo nang bitiwan yung kamay n’ya.” Sabi ko kay Charlie at hesitant pa n’ya iyong binitawan.   “Ay, sereh nemen.” Nagkunwari pa s’yang natawa ng mahinhin, “akala ko kasi one second palang kaming nagkaka-holding hands.” Sabi n’ya at akala, mao-offend si Garett pero tumawa lang ito.   “No. It’s fine. Actually niyayaya namin ni Mel si Steph na mag-Starbucks before you arrived. You wanna come, Charlie para apat na tayo?” Nakangiting tanong ni Garett at parang nakita ko pang nagningning ang mga mata ni Charlie.   “Ay oo naman! Join kami.” Sabi agad ni Charlie at tiningnan ko s’ya habang sa loob-loob ko, ako ay sobra nang nawiwindang. Enough lang kasi ang baon ko at wala akong pang-Starbucks.   “Kasi Charlie…” bulong ko kay Charlie pero pinigilan n’ya agad ko.   “Pagbigyan mo na ako Stephie puhlease! My Ghad! He’s the man of my dreams! Libre ko ‘to. Kaya gora na tayo, okay?” Pabalik na bulong n’ya sa akin at nagpatiuna nang tumayo.   Wala na naman daw akong nagawa dahil pati yung dalawa ay tumayo na din.   “Let’s go?” Tanong ni Garett at sabay na kaming tumango ni Charlie.   “Gora!” Sabi ni Charlie na sobrang excited.   Pagkarating namin sa Starbucks, umorder na agad sila.   “Well, I guess this calls for a celebration dahil may bago na kaming friends ni Mel.” Sabi ni Garett na halatang tuwang-tuwa.   “Yeah! Actually more like bestfriends, diba Charlie?” Sabi ni Mel na tumingin kay Charlie at ngumiti naman ito ng maluwag.   “Ay! Like ko ‘yan gurl! Oh ayan ha, magbe-bestfriends na tayo. Wala nang bawian yan.”   “Perfect!” Mel exclaimed and we all laughed.   “Cheers to the new found friendship.” Garett made a toast and we all raised our glasses.   “Cheers!” We all said and laughed together.   ---   From then on, nabuo na ang friendship naming apat. At dahil sa kanila kaya naging sobrang saya din ng college life ko. Our bond became even stronger kahit pa nga minsan, hindi maiwasan ang mga tampuhan but I believed that even when trials would come, our friendship would last kahit pa tumanda kaming apat.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD