Chapter 7
Kinabukasan, Wednesday, ay maaga akong pumasok. Magkikita-kita kasi kami nila Charlie, Mel at Garett sa freedom park, sa loob din ng school namin. Malawak yung park, maraming bench na gawa sa semento at maraming puno. Doon, pwede mong gawin ang gusto mo, sumigaw kung wala kang hiya, maglatag ng sapin sa damuhan at humiga habang nagbabasa. Ang bawal lang talaga ay P.D.A. dahil syempre, school pa rin naman ‘to.
Maraming nagpa-practice ng sayaw sa freedom park, o kaya naman ay group declamation. Pero kahit medyo maingay, isa pa rin ‘yon sa mga lugar na gustong-gusto kong pagtambayan, namin ng mga kaibigan ko dahil walang pakialamanan ang mga estudyante ano man ang gawin mo.
Pagkarating ko sa freedom park, dumiretso kami sa spot kung saan favorite naming pagtambayan. Hindi pa ako nagtatagal ng limang minuto sa paghihintay ay nakita ko na sina Charlie at Melissa.
"Stephie! Kanina ka pa d'yan?" tawag sa akin ni Charlie habang papalapit sila.
"Hindi naman. Saglit pa lang. Oh papano kayo nagkasabay?" tanong ko.
"Nagkasalubong lang kami sa gate, Steph.” Sabi ni Mel saka tumabi sa akin nang makalapit sila, “anyways, ikaw ha? May nabalitaan kami sa'yo!" si Mel na agad namang kumawit sa braso ko at makahulugan akong tiningnan.
"Ano naman ‘yon?" tanong ko habang nagtataka.
"About sa gwapong transferee dito sa school. Yung British guy na pinag-uusapan ng madlang kababaihan ngayon? Wait, ano nga ba ang name n’ya Charlie?” Tanong ni Mel at binalingan si Charlie na nagkakandahaba ang leeg at parang may hinahanap.
“Ano yon?” Tanong ni Charlie na nakatingin pa rin sa kung saan-saang direksyon. Mel and I rolled our eyes saka umiling.
“Ang sabi ko, sino yung transferee ngayon. Ano’ng name n’ya?” Tanong ulit ni Mel and this time, Charlie giggled.
“Ahh. Si future hubby ko ba?” Tanong ni Charlie saka tumawa pa, “well, his name is Frank William Worsford.” Sagot ni Charlie na ninanamnam pa ang bawat kataga ng pangalan nung kapreng ‘yon.
Mel chuckled then shook her head again before she looked at me.
“Whatever Charlie.” Sabi n’ya, “anyway, as I was saying Stephie, may nabalitaan nga kami sa’yo! Dahil marami ang nagsasabi na yung gwapong demi-God daw na yun ang nagbuhat sa’yo papunta sa clinic kahapon nung nadulas ka.” Excited na sabi ni Mel and I was like, what the eff?
Sino ang may makating dila ang nagpapakalat non?
Napatingin na lang ako sa ibang direksyon at kunwari ay ginagaya si Charlie. Sadyang hindi ko sinagot si Mel at ramdam kong nakatingin s’ya sa mukha ko ngayon habang nagtataka.
“Uy Stephie, ano na? Was that true? S’ya talaga ang nagbuhat sayo?”
“…” hindi ako sumagot.
“Stephie?”
“…” hindi pa rin ako sumagot.
“Ohh, siguro kayo na ‘no? Kaya di ka makasagot?” Assume ni Mel and this time, hindi na nga ako nakatiis na hindi sumagot.
“Hindi kami noh!” Sabi ko and she laughed when I immediately looked at her face. Okay, I guess I sounded defensive then. Pero hindi naman kasi talaga kami! At lalong hindi magiging kami! Saka hello? Dalawang beses ko pa nga lang nakita yung kapreng yun, kami na agad?
“Okay? So the gossip wasn’t true?” Mel inquired and I had to bite my tongue. As usual, na-corner na naman ako nitong babaeng ‘to. I sighed then shrugged in defeat.
“It was true but-“
“Oh my God! Really?! Like, binuhat ka talaga n’ya?! Oh my gosh Stephie! That was so sweet!” Mel exclaimed at parang gusto kong mapa-face palm.
“Wala namang ibig sabihin ‘yon. Binuhat n’ya ako kasi s’ya naman ang may kasalanan kung bakit ako nadulas.” Tuluy-tuloy na explanation ko at hindi namin namalayan na nakarating na pala si Garett.
Bigla na lang s’yang nag-appear sa harap ko and his face was blank.
“Was it true, Steph? Sinaktan ka ba talaga n’ya?” Garett asked and suddenly, I wanted to swallow my words back.
Natahimik kaming tatlo nila Mel at Charlie at hindi namin malaman ang sasabihin. Bakit yata parang galit si Garett? Dahil napilay ako? Siguro natural lang yun na magalit s’ya kasi bestfriend n’ya ako, pero ayokong nagagalit si Garett, e. Nakakatakot kasi s’ya kapag ganito.
Ngumiti na lang ako sa kanya saka hinawakan s’ya sa braso.
“Uy, kalma lang. Okay na naman ako. Saka medyo tatanga-tanga din kasi ako kahapon kaya a’yon, nadulas ako.” Sabi ko at nagkunwari pang natatawa, pero hindi nagbago ang expression ng mukha n’ya.
“Hindi pa rin dapat mangyayari ‘yon kung hindi s’ya careless. Bakit iniwan ka n’ya sa clinic kahapon? Dapat hinatid ka n’ya sa bahay hanggang makapagpahinga ka. Papano kung may nangyari sa’yo?” Sunud-sunod na sabi ni Garett na may halong concern at galit.
Laging nakangiti at jolly si Garett, kaya naman sobra ang gulat ko ngayon na nagagalit s’ya dahil sa nadulas ako. Kaya naman pasimple akong tumingin sa dalawa naming kasama para sana humingi ng tulong, pero gaya ko, mukhang hindi rin nila alam kung papano ipa-pacify itong kaibigan namin.
Nang wala yatang balak magsalita ni isa sa amin at nagpapakiramdaman lang, ako na mismo ang tumayo at inaya sila.
“Tara, pasok na tayo?” Pag-iiba ko at nagtinginan muna sina Charlie at Mel bago nagtayuan.
“Gorabels!” Sabi ni Charlie at nakipag-beso-beso sa akin bago sila nagmadaling lumakad palayo ni Mel. Same building kasi ang course nila, at kami naman ni Garett ang magkasama.
Nang makalayo na yung dalawa, humarap sa akin si Garett but I quickly raised my hand to stop whatever he was trying to say.
“I know you’re worried pero okay na po talaga ako. Kaya wag ka nang magalit d’yan, hindi po bagay sa’yo.” Sabi ko sa kanya and he just nodded. Tiningnan ko pa s’ya nang matagal bago ko s’ya tinapik sa braso.
“Ano ka ba, smile ka na nga d’yan. Umagang-umaga oh.” Sabi ko and slowly, Garett smiled at parang nabunutan na rin ako ng tinik sa dibdib.
Pagkatapos n’yang i-assure kung okay na ba talaga ako, sabay na rin kaming pumunta sa building namin para pumasok.