Chapter 10 Kanina ko pa ramdam na parang lutang ako. Kanina pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni mama, tumawag daw kasi si kuya at ibinalitang na-promote ito. At dahil sa pagkalutang ko, hindi na ako nakapag-respond pa ng maayos. Gusto ko sanang genuine na ngumiti dahil sa achievement ni kuya pero dahil sa pagka-bad trip ko, hindi ko man lang iyon nagawa. Para tuloy nagtaka si mama. Nakakainis! Kung bakit kasi kailangang magpaapekto ako sa lalaking yon? At bakit ba ako naiyak? Ano naman kung hindi s’ya humingi ng pasensya? Hindi naman ako mamamatay kung hindi s’ya magso-sorry ah! Pero kasi naman! Hindi ba dapat humingi nga s’ya ng dispensa kasi kasalanan naman talaga nya? Saka hindi pa nga ako nakakabawi sa panghahalik na ginawa n’ya sa akin, tapos sinundan naman n’ya