Chapter 11 Isang linggo na din ang nakakaraan mula nung incident sa guard's office. At grabe ang embarrassment na inabot ko dahil dun at ang mood swing ko na hindi ko maintindihan. Nandyan yung parang gusto kong magwala kapag naaalala ko yung nangyari. At the same time, parang gusto kong maiyak dahil sa nasaktan kong pride. Pero buti nalang ay lumipas ang isang linggo na hindi pa naman ako tinutukso ng tadhana. Wala na kasing disaster na nangyari. Darating kasi yung lalaking yun na late na sa klase, dahil every Tuesday at Thursday ay magka-klase kami sa isang subject, at kauna-unahan din syang lumalabas kapag dismissal na. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong kung iniiwasan ba n’ya ako? Pero everytime din na magtatanong ako ay agad kong sinasabi sa utak ko na wala akong pakialam.