Epilogue Matapos ang dami ng pagtatalong dumaan. Mga luhang pumatak mula sa mga mata. Ang tindi ng sakit na kanilang naramdaman. Sa wakas... Dumating na rin ang oras, na sa tanang buhay nila ay di nila inaasahan... Isang selebrasyon na lahat taong minamahal sa buhay ng dalawang taong ngayo'y nakatakdang humarap sa altar para mapagisang dibdib, ay sama-samang dumating. At sabay-sabay na hinihintay ang tamang sandali... Para masilayan, hindi ang pagtatapos ng kanilang istorya, kung hindi ang simula pa lamang ng kanilang pagsasama. Bilang mag-asawa. Sabay-sabay na nagsitayuan ang lahat ng nasa sa loob ng simbahan nang magsimulang umentrada ang mga participants sa kasal. Mula sa ring bearer, sa mga abay na pawang mga naging kasa-kasama, mga kaibigan sa University, a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books