Chapter 64 (Third person POV) Isang linggo na ang nakakaraan simula ng araw na magusap sina Stephanie at Frank. At sa mga araw na ‘yon, walang ginawa si Steph kung hindi ang umiyak at damdamin ang mga pangyayaring parang bagyong dumating sa buhay nya. Before, all she wanted was a simple life. Be happy with her family and bestfriends, to graduate in college with honors and have a decent job after. Monotonous at paulit-ulit man ang buhay nya, hindi naman s’ya humihiling ng higit pa. Because she was contented. Pero simula ng dumating si Frank Worsford sa buhay nya, biglang nagbago na ang lahat. Natutunan n’ya ang kumalas sa kinasanayan nyang magaang buhay. Naranasan n’ya kung paano ang pakiramdam na kiligin, ma-inspired, magalit dahil sa inis at selos, at ang masaktan dah