Chapter 63 "Hello? Stephie? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Charlie habang nagi-snap ng kamay sa mukha ko. "H-ha?" parang wala sa sariling balik-tanong ko. "Anong ha ka dyan? Kanina ka pa kaya namin kinakausap? Are you there?" si Charlie ulit. Napatitig lang ako sa mukha n’ya at dun ko lang naalala na nandito nga pala kami sa loob ng mall para bumili ng mga Christmas gift. Wala talaga akong balak na sumama kung hindi lang sa matindi nilang pamimilit sa akin, at pangungusensya dahil hindi pa daw nila ako nakikita simula ng ... Christmas Party. Dahil matapos ang gabing yon... Ang gabing tila yumurak sa pagkatao ko... Sa p********e ko... At sa puso ko... Parang nawalan na ko ng gana. Nagsimulang maging tulala, at ni hindi ako lumalabas ng kwarto kung hindi nga lamang kail