Chapter 53 "So ano'ng plano mo?" tanong ko kay Frank habang inaalalayan n’ya ko. Papaakyat na naman kami ng cliff. Tumingin muna s’ya sakin bago ngumisi. Okay? Anong ibig sabihin non? "You'll see baby, don't be in such a rush, okay?" "Pano naman ba kasing hindi ako magtatanong e papaakyat na naman ako dito, muntik na kaya akong mamatay, alam mo ba yon?" pagtataray ko. Ewan ko ha? Pero napaka-moody ko pag itong si Frank ang kasama ko, may time na mabait ako, sweet. Minsan naman ganito, mataray, masungit. Haist, pabago-bago! "Sure! Cause I'm the one who saved you, remember?" sabi n’ya sabay kindat. Aww! Edi s’ya na ma-appeal! Hindi na ako kumibo, basta nakisama na lang ako sa trip nya, na aaminin ko, gusto ko rin naman. Yun naman kasi talaga ipinunta ko dito,