Chapter 54 "Wow . Wow . Wow naman! Blooming si Inday!" kantyaw ni Charlie kay Mel nang paparating na. "Gondo nomon ng epekto sayo ng pagtatago mo sa amin teh." Nakaupo kami dito sa isang bench ni Charlie, eto nga't hinihintay namin ang paparating na si Mel saka si Garett, sabay-sabay kasi kaming magla-lunch ngayon. Hay! Finally, makukumpleto kami. Parehong hindi namin napagkikikita yung dalawa kaya kaming tatlo lagi ang magkakasama nina Frank, Charlie at ako lately. "Musta?" nakangiti kong bati kay Mel nang makaupo s’ya sa tabi ko. In fairness ha? May nagbago nga sa mukha nya. Iba eh. Lam mu yon? Inangat baba ni Mel ang mga balikat nya, hindi sumagot pero hindi rin naman nagawang pigilan yung pagngiti nya. "Aba aba aba! May dramang ganon??? So may silent treatment k