Chapter 55 "Steph?" habol sa akin ni Frank. Naglalakad ako ng mabilis paalis ng foodcourt nang mamataan ko si Frank kasama ang mga kaklase nyang lalaki. Alam nyang nakita ko s’ya dahil nagtama ang mga paningin namin. But how I wish hindi na lang n’ya ako nakita dahil sa sobrang gigil na gigil ako. Shit! Anniversary? So all this time pala, niloloko lang n’ya ako?! "Steph!" sigaw na ni Frank nang hindi ko s’ya pinapansin, naramdaman kong tuluyan na syang tumakbo papunta sa akin. Nang maabutan n’ya ako, agad n’ya akong pinigilan sa braso. "Are you avoiding me?" tanong n’ya nang magkaharap na kami. Medyo malayo layo na kami sa foodcourt at wala na namang masyadong estudyante kung san kami nakatayo ngayon. "No." tipid kong sagot. "Then why were you still