Chapter 34 "Steph, what's wrong?" Naramdaman ko si Frank na papalapit sa akin mula sa loob ng bahay and his face was etched with worry. Nakaalis na si Garett ilang minuto na ang nakakaraan pero hindi ko pa din magawang pumasok sa loob. Tumabi naman si Frank sa akin at hinawakan agad ang mga kamay ko. "Hey, what’s wrong? What did he do to you?” “W-wala syang ginawa sa akin, Frank… pero may sinabi si Garett sa akin.” “What is it then?” Tanong n’ya and this time, he was holding my shoulders like he was afraid that I might pass out anytime. I cleared the invisible lump in my throat before I spoke. "S-sabi nya… mag-iingat daw ako. Na w-wag daw akong magtiwala basta-basta. At may pwede daw mangyaring masama sa akin dahil sa pagkakalapit ko sayo." I confessed at gulat ang