Chapter 35 "Anak, sigurado ka bang papasok ka pa?" tanong ni mama sa akin. Lunes na Lunes pero heto at sobrang sama ng pakiramdam ko. Actually, kahapon pa to kaso hindi ko naagapan ng gamot kaya mas lalo pang lumala. Para na tuloy akong lalagnatin. Di bale na, kailangan ko pa ring pumasok. Humarap ako kay mama then kissed her cheek. "Mawawala din po ito ma. Nakainom na naman po ako ng gamot kanina, hintayin ko na lang umepekto. Pasok na po ako." paalam ko saka lumabas na ng bahay. Pagkasarado ko ng gate, nakita ko na naman ang kotse ni Frank na naghihintay sa tapat ng bahay namin. Last Saturday, nagpaalam s’ya na gusto daw n’ya akong bisitahin, pero hindi ako pumayag dahil hindi ko nga rin naman s’ya maaasikaso. "Hi." Frank greeted as he approached me. Tipid na ngit