Chapter 36 Kanina pa kami magkachikahan nitong si Ms. Ashley, ang bagong nurse ng school. At medyo dinudugo na rin ang ilong ko kasasalita. Para kasi syang si Frank, British accent, kaya mas mahirap intindihin kaysa American accent. Hindi naman s’ya nakakaintindi ng Tagalog kaya English all the way ang peg ko. Pero masarap naman syang kausap, mabait pa. Marami ding kwento si Ms. Ashley, isa na nga dun yung boyfriend daw n’ya na sinundan pa n’ya dito sa Pilipinas dahil medyo nagka-misunderstanding sila. Kawawa nga s’ya kasi nung pagdating daw n’ya dito, nalaman na lang n’ya na may iba nang umaaligid sa boyfriend nya. "So are they your friends?" tanong ni Ms. Ashley maya-maya. "Ahh yes Ma'am, bestfriends." Sagot ko pertaining to Charlie, Mel and Garett. "Hmm, okay. So ho