Chapter 37 Nasa byahe na kami ni Frank nang maalala kong tawagan si Charlie. Baka kasi sunduin pa nila ako sa clinic, e wala na naman ako doon. "Hello Stephie?” Sagot agad ni Charlie unang ring pa lang, “buti napatawag ka, ano okay ka na ba? Pwede ka na ba naming sunduin?” Sunud-sunod na tanong ni Charlie at alalang-alala pa din hanggang ngayon. I chuckled then answered him. "Okay na ako Charlie." I said. "Okay sige. Puntahan ka na namin dyan, ha?” "Err, kasi Charlie-" "Oh bakit? Mel, lika na!" sigaw n’ya sa kabilang linya, grabe! Di man lang ako pinatapos. "Nasaan ba kayo, Char?" "Freedom park. Kaimbyerna nga yang si Mel noh! Kanina pa sila naglilingkisan ni Garett ko! Ang lalandi lang!" sigaw ulit ni Charlie na tingin ko ay nagpaparinig kina Mel. "Oy!