Chapter 38 “Oh my gosh! Kanina pa kayo? Sorry, I’m so late!” Si Charlie habang tumatakbo papunta sa amin ni Mel. Buti naman dumating na sya, kanina pa kaya kami dito ni Mel sa freedom park na naghihintay sa kanya. "Hay naku, napakalantod mo talaga bakla, ang tagal-tagal mo!" sabi ni Mel. Tingin ko hindi na n’ya napigilan dahil kanina pa s’ya nagrereklamo dito sa tabi ko. Hindi kasi nakasama si Garett na bumili ng furnitures n’ya para sa condo kaya kami ang kasama nya. "Eh kasi naman, may humarang sa akin don no! Kaasar nga e.” Sabi ni Charlie kahit mukhang kabaliktaran naman ang sinasabi n’ya sa ikinikilos n’ya. Napairap na lang kami ni Mel. "Naasar ka pa sa lagay na ‘yan e mukhang tuwang-tuwa ka pa nga." Bigwas ni Mel kay Charlie. "Eh kasi naman eh,” maarteng