Chapter 39 Isang oras lang ang nakalipas ay halos walang nangyari kanina. “Oh my gosh, Mel! Ang ganda nito o!” Si Charlie habang nakaukyabit kay Mel sa paglalakad. “Oo nga!” Tuwang-tuwang sagot naman ni Mel habang binibistahan ang sofa na itinuro ni Charlie. Natatawa akong sumunod sa kanila. Kanina lang ay parang aso’t-pusa, pero ngayon ay okay na ulit sila. Nakakatuwa dahil ganito ang mga kaibigan ko. Napakadaling pakisamahan. Paminsan-minsan ay mga mga saltik nga lang sa utak. Nandito na kami sa bilihan ng furnitures pero hindi ko maituon ang isip sa pagtulong sa kaibigan. Hindi kasi maalis sa isip ko ang note na natanggap. Gusto ko rin sanang tanungin si Frank tungkol dito pero baka meron s’yang planong surpresa o kung ano man. Ayaw ko namang sirain kung ano man iyon