Chapter 40 "Thanks for the wonderful night, Steph." si Zac habang nakangiti sa akin. Nasa tapat na kami ng gate ng aming bahay at nagpapaalam na lamang s’ya. Tipid akong ngumiti kay Zac at saka tumango, “Salamat din.” Ani ko. "Hmm… so i'll get going?" paalam n’ya pero mukhang ayaw naman n’yang umalis. "Okay." sabi ko. Tumango s’ya at saka saglit na sinulyapan ang aming bahay. “Goodnight, Steph.” Sabi n’ya bago ako mabilis na ginawaran ng halik sa pisngi. Halos manigas ang mga paa ko pero nagawa ko pa ring umatras. Nagtaka naman s’ya ngunit nakuha rin ang ibig kong sabihin pagkawari. Wag kang lalapit, Zac. Bulong ko sa aking utak. Nagtaas s’ya ng dalawang kamay sa tipong nagsu-surrender. "Okay then, i’ll go now. Just don’t give me that look, baby.