Chapter 25 Habang daan at nagbabyahe kami ni Frank papasok ng school, hindi ako mapakali. May tanong kasi ng bigla na lang pumasok sa isip ko at kating-kati yung dila ko na itanong sa kanya iyon. Pero natatakot ako na baka pagtawanan n’ya ako. O baka isipin n’ya na masyado akong usisera. Lumingon sa akin si Frank at kumunot ang noo n’ya nang makita ang itsura ko. “Steph, is there a problem?” “H-huh?” “You seem so uneasy.” Sabi n’ya at nakagat ko ang labi ko. Huminga din ako ng malalim. "Ahm, F-frank?" "Yes?" "P-pwede bang magtanong?" ngumiti sya. "Sure, anything. What is it?” He asked at nahiya ako kaya tumingin ako sa labas. “Wala pala. Nevermind.” I muttered pero hinawakan n’ya agad ang kamay ko. “Hey, it’s okay. C’mon, you can ask me anything.