Chapter 26 Matapos ang confession sa akin ni Frank ay hindi na nga n’ya ako tinantanan. Lagi syang nakaabang sa parking lot na lagi kong dinadaanan tuwing uuwi ako. Kapag maluwag ang schedule ay sinusundo at hinahatid n’ya ako. He even queried about my class schedule na akala mo boyfriend ko. Well, he already asked me kung pwede syang manligaw at tumanggi ako nung una, pero dahil sa kakulitan n’ya ay napapayag n’ya rin ako. Kaya nga’yon, hala sige ang text-an namin. Ngayon ko lang din naman na-experience ang ganito, yung pormal na ligawan though hindi ko pa s’ya nagawang ipakilala kay mama, pero hindi naman s’ya nagreklamo kaya natutuwa din ako. He’s been very patient with me for the past week and I couldn’t deny the fact na sagad sa buto ang kilig ko. At ngayon ngang Tuesday n