Chapter Thirty-six Sampung pisong fishball at sampung pisong kikiam. Iyon lang talaga ang nilibre ko sa kanya. Share na lang kami sa palamig kasi kung bibilhan ko siya, parang ang unfair naman no'n 'di ba? Bente lang naman ang binigay niya sa akin. Naupo si Anshil sa gilid. Dahil walang upuan, habang naka-squat ito ng upo ay kumandong pa ako rito. Hindi man lang ito nahirapan sa pwesto namin. Nakuha pa nga nitong kumain. "Anshil, kanina narinig ko iyong mga kasambahay. Galit din pala sila sa akin 'no?" naging mabagal ang pagnguya nito sa kinakain. "Anong sinabi nila?" kwenento ko naman ang mga narinig kong usapan nila. "Bukas na bukas ay magpapapalit ako ng kasambahay. I will not fire them. Pero hindi pwedeng kasama mo sila sa iisang bahay. Nagkamali ka noon, pero hindi ibig sabihin no