Chapter Ten Hindi ako nakatulog. Tagaktak ang pawis ko habang nakahawak sa dibdib. Wala si Anshil. Wala akong kasama sa silid. Hindi ako makahinga na para bang naso-suffocate ako kahit well ventilated naman ang silid. Para tapusin ang paghihirap ay pinilit kong umalis ng kama at dali-daling nagpunta ng pinto at lumabas. Nang nakita ko ang malawak na sala sa ibaba, saka lang ako medyo nakahinga ng maluwag. Lumakad ako patungo sa hagdan. Pababa na ako nang napansin ko ang bata na nakahiga sa sahig sa likod ng couch. Agad akong bumaba at nilapitan ito. "Bimbo, bakit ka nandyan?" takang tanong ko. Isang buong guestroom ang inilaan dito, tapos dito lang siya mahihiga? Agad itong napabalikwas. "'Te! Ang ganda kasi ng kwarto... hindi ako sanay. Mas sanay akong humiga sa malamig na sahig. Alam