9

1369 Words
Chapter Nine "Anak!" maluha-luhang bulalas ng aking ina pagbungad namin nila Anshil sa pintuan ng mansion. Agad itong napatayo saka tumakbo para salubungin ako. "Mommy, may pasalubong ako sa 'yo," excited na ani ko sa ina. Saka ko itinaas ang kamay ni Bimbo na malawak naman ang ngiti. "A-nak, bakit ka nag-uwi ng maligno?" bulalas ni mommy sa labis na gulat. "Luh! Judgemental naman si ma'am!" ani ng bata. "Bata po ako... hindi po maligno." "Mommy, don't say that. He's my pasalubong... for you po." "Anak, naman! Saan mo nadampot ang batang iyan?" lokang-loka na tanong nito. "Sa Santa Elena po, mommy." Agad gumawi kay Anshil ang tingin ni mommy. "Umabot ng Santa Elena si Milanie?" bakas ang labis na pag-aalala sa tinig nito. Tumango naman si Anshil. "Jesus Christ! Milanie, that's dangerous." "Hindi naman po, mommy. Safe naman po ako. Saka tignan n'yo po... inuwian ko na po kayo ng blessings." Gumawi ang tingin namin ni mommy sa batang napagkamalang maligno. "Anak, hindi ka kidnapper. Bakit naman nagbitbit ka ng bata na hindi naman sa 'yo!" "Decided na po ako. Atin na po si Bimbo. Dito na po siya titira. Anak n'yo na po siya." Si dad na nakalapit na ay kakamot-kamot sa ulo. "Anak, ano na namang kalokohan ito? Ibabalik natin iyan sa magulang niya." "Po? Ayaw ko pa pong pumunta sa lalaking sinamahan ni mama!" ani ng bata. "Ha? May lalaki ang mama mo?" biglang shift ng emosyon ni mommy. Concern na ito ngayon. "Si Papa Jesus, ma." "Ha? Lalaki ng mama mo si Papa J---, Ha? You mean ba patay na ang mama mo?" "Opo," tugon naman ng bata. Nagkatinginan ang parents ko. "Milanie, mag-usap nga muna tayo. Manang, pwedeng pakiasikaso muna si Bibo." "Bimbo po," pagtatama ng bubwit na kasama ko. Agad namang nilapitan ni Manang si Bimbo na sumama naman agad. Inakbayan ako ni mommy. "Tara muna sa office ng dad mo. Anshil, sumama ka rin." Karay-karay ako nito hanggang makarating kami ng office. Umarte akong nahihilo para makaiwas sa sermon pero tinawanan lang ako ni mommy habang si Anshil ay iiling-iling. Hindi bumenta sa kanila ang arte ko. Kailangan ko yatang mag-workshop sa acting. "Milanie," seryosong tawag ni dad sa akin. Sinulyapan ko ito. Nang nakitang nakatingin ito ay agad din akong nag-iwas ng tingin. "Anak, ito na ang huling beses na tatakas ka---" "I'm not sure, dad," maamong tugon ko. "I'm not asking you, Milanie. Utos ko iyon sa 'yo. Hindi ka na tatakas at hindi mo na kami pag-aalalahin ng sobra dahil sa mga kalokohan mo." "Galit ka po?" tanong ko sa aking ama. "No, I'm not." Mabilis namang ani ni dad. "Thank God! Buti naman po't hindi ka galit. At least kung lalabagin ko ang utos n'yo ay alam kong hindi kayo galit." "Milanie! Anak! Milanie Feliz!" tatlo silang sabay-sabay na nagsalita. Iba-ibang ang tawag. Pero alam kong pare-parehong pananaway iyon. "Galit kayo?" painosenteng tanong ko na naman sa kanila. Mukhang gets nilang ginagamit ko ang pagpapaawa para makalusot. "Anshil, sermunan mo!" utos ni dad. Tumingin kaming lahat kay Anshil. Nag-iwas naman ito ng tingin no'ng nag-puppy eyes na ako. "Tita, ikaw na po," pasa naman ni Anshil kay mommy. "Bakit ako? Hon, ikaw na!" balik nito Kay daddy. Napabuntonghininga naman si dad at napakamot sa ulo. "Anak, inaalala lang naman namin ang safety mo. Sa lagay mong iyan... hindi ka safe gumala. Walang problema kung kasama mo ang mga bodyguard mo. Pero iyong ikaw lang? Hindi pa namin alam kung nasaan ka... that's not safe! Ito na ang huli, Milanie Feliz. Isang takas mo pa... bawat bodyguard na tatakasan mo ay tatanggalan ko ng trabaho," now he's serious. Napabungisngis ako. "Daddy, hindi po ba't advantage ko iyan? Mababawasan ang bantay ka... great news!" ani ko. Pare-parehong napatapik sa noo ang tatlo. May mali ba akong nasabi? Tama naman 'di ba? Less bodyguard, easy takas! "Not a good idea, hon." Umiling pa si mommy. "Anak, bakit ba kasi alis ka ng alis? Ano bang ayaw mo rito sa bahay at hindi ka mapirmi?" stress ng tanong ni dad. "Naso-suffocate po ako rito," amin ko. "Parang hindi ako belong sa bahay na ito." "It's normal na hindi ka maging familiar dahil nga sa sinapit mo, Milanie Feliz. It will take time para mag-heal ka. Saka Anong suffocating dito?" "I don't know... sa tuwing nakasara na ang pinto ng bahay na ito o ng kwarto ko ay parang may nakasakal sa akin. Hindi ako makahinga." Napayuko ako. Iyon ang totoo. Tumingin ako kay Anshil. "Hindi ko man kilala si Anshil ay parang siya ang fresh air ko. Sa kanya lang ako may tiwala, mommy and daddy---" "W-hy?" malungkot na ani ni mommy. "Mukha po kasi kayong criminal," tugon ko. "Milanie Feliz!" offended na bulalas ng aking ina. Tawang-tawa naman ang aking ama. Si Anshil ay napayuko at parang gusto nang mag-prayer vigil mapigilan lang ang sariling tumawa. Hindi naman ako nagpapatawa. Ang hirap din ng sitwasyon ko. Hindi ko naman gusto na naramdaman ito. Sino bang may gusto nito? Dahil empty talaga ang utak ko sa mga alaala ko in the past... para akong lost soul. Hindi ko kung saan ako belong. "Kung umalis man po ako ay huwag po kayong mag-alala sa safety ko. Kaya ko naman po sigurong protektahan ang sarili ko. Hindi ko lang po maipapangako na makakauwi ako. Hindi po ako magaling sa direction." "Still no, Milanie Feliz. Ito na ang huling beses na tatakas ka." This time ay seryoso si Anshil. Mas natakot pa ako sa kaseryosohan nito kaysa Kay daddy ko. "Sorry, Anshil. Hindi talaga tayo sure d'yan. Pero may isa ka pang option... isama mo ako sa mga lakad mo." "Milanie Feliz, hindi naman kasi pwede iyang gusto mo. Nagtratrabaho ako. Hindi ko kayang---" Pinutol ko ang sinasabi nito. "Hindi mo naman ako aalagaan doon. Isasama mo lang ako. Kung saan ka ay susunod lang ako. Promise." "No!" tanggi pa rin nito. "Okay. Madali naman akong kausap. Tapos na ang usapang ito," tumayo na ako. "Young lady, hindi pa tapos ang usapang ito," tawag ni dad. Pero tinignan ko lang ang mga ito, as if sa titig ay gustong iparating na disappointed ako sa kanila. Ako pa talaga ang may ganang ma-disappoint. "Tapos na po," tugon ko. "I'm disappointed," saka ako dali-daling nag-walkout. Tinatawag nila ako pero tumakbo na ako palayo. Hinanap ko iyong bubwit. Sa kitchen ko ito inabutan. Sarap na sarap sa meriendang kinakain niya. "'Te, napakaangas ng bahay mo! Ang daming pagkain dito tapos ang laki-laki pa." Bungad nito sa akin pagpasok ko sa kitchen. Umupo ako sa bakanteng upuan. "Gusto mo ba rito?" todo tango ito. Sa sobrang pagmamadali ko na makaalis sa office ni dad ay hindi na tuloy namin napag-usapan iyon tungkol kay Bimbo. Kaya pala sabi nito'y hindi pa kami tapos mag-usap. "Gustong-gusto, 'te! Angas! Hindi na ako matutulog sa gilid ng kalsada. Tapos karton ang sapin. Kahit saang sulok ng bahay ninyo ay pwede kong higaan. Marmol pa ang sahig. Dito na lang ako, 'te. Tutulong po ako sa gawaing bahay. Kahit po maghugas ng plano o kaya maglampaso ay gagawin ko." "No, Bimbo. Hindi mo kailangan gawin iyan. Sina Manang na ang gagawa n'yan. Ikaw... titira ka rito bilang anak ng nanay at tatay ko." "Desisyon ka naman,'te. Pumayag na ba ang magulang mo?" ani ng bata. Mature rin talaga itong magtanong. Gano'n ba talaga kapag namulat sa kalsada. Pwersahan na ang pag-mature dahil kailangan? Bigla akong nalungkot. Nakuha. "Hoy, 'te!" ani ng bata. Nakita pala nito na naluluha ako. "Bimbo, promise ko sa 'yo na hindi ka na babalik ng kalsada... hindi ka na magiging palaboy. Dito marami kang makakain, may matutulugan, makakapag-aral ka, at safe ka." "Oh, bakit iiyak ka?" tanong nito. "Dati ka rin bang palaboy?" curious na ani ng bata. "Hindi ko alam... siguro." "Kaso kamukha mo ang daddy mo, 'te. Malabong maging palaboy ka. Pero depende pa rin, 'te. Kung papayag ang pamilya mo o hindi." Saka ko lang napansin sina mommy sa pintuan. Nakikinig. "Please?" ani ko sa kanila. Napatingin din si Bimbo sa kanila. "Idadaan natin sa proseso, Milanie Feliz," sukong ani ni mommy. Para akong nakahinga nang maluwag. Sa yaman nilang ito tiyak na may magagawa sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD