8

1535 Words
Chapter Eight Tapos na kaming naligo ni Bimbo. Medyo maaliwalas na ang itsura nito at mukhang tao na. Nakahawak ito sa kamay ko habang naglalakad kami. Pabalik ang direction na ito sa terminal na pinanggalingan ko. Nagugutom na kami pareho. May pera raw siya at bibili kami ng tinapay sa bakery. Buti pa ang bata may pera. "Ate, ako na lang ang bibili. Kung sasama ka kasi'y hindi ako makakatawad sa bakery. Hintayin mo na lang ako. Upo ka muna roon sa bench." Sinunod ko naman siya. Alangan namang kontrahin ko pa, ako na nga lang itong ililibre niya. Pinanood ko siyang tumawid sa kalsada at pumunta sa bakery. Nang tiyak na akong safe siyang nakatawid ay nagpunta ako sa bench. Naupo roon. Nang natapos na itong bumili ay napangiti ako. Makakakain na ako. May tubig pa itong dala na naka-plastic. Mukhang madiskarte itong si Bimbo. "'Te, kain na tayo." Umupo ito sa tabi ko at inabutan ako ng isang plastic na may lamang tinapay. Walang angal na kinain ko ang libre nito. Share pa kami sa inumin. Halos paubos na namin ang tinapay ng may humintong sasakyan sa tapat namin. Takang nagkatinginan kami ni Bimbo. Pero nang lumabas sa sasakyan na iyon si Anshil at Blake ay agad naman akong na relax. Nahanap na nila ako. Ang bilis naman. Unang nakalapit si Blake sa akin. "Lintik kang babae ka! Sinabi ko na magpa-park lang ako tapos bigla ka na lang nawala. Alam mo bang friendship namin ni Anshil ang muntik nang masira?" asik nito. Nang si Anshil na ang lumapit sa akin ay agad itong lumuhod sa harap ko para magkapantay kami. "Are you okay, Milanie?" concern na tanong nito sa akin. "Yes. I'm okay, pogi. Bakit nandito kayo?" nagsalubong ang kilay nito. Kung kanina'y concern, ngayon naman ay parang gusto na akong tirisin. "Nagtatanong ka pa talaga ng ganyan? Hindi mo ba alam na sa tuwing tumatakas ka ay pinag-aalala mo ako? Kaming lahat, Milanie! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Bakit hindi ka mapirmi?" ani nito. Nakakatakot ang sama ng tingin nito sa akin. Kaya inabutan ko na lang siya ng tinapay. "Gusto mo bang kumain?" "Milanie!" asik ng lalaki. "Bakit ka nagagalit?" painosenteng tanong ko. "Seriously? Halos atakihin na kami sa puso sa labis na pag-aalala sa 'yo. Sinong hindi magagalit kung sobrang tigas ng ulo mo!" kinatok ko ang ulo ko. Legit. Matigas nga. "Milanie!" stress na ani nito sa akin. "Naggala lang naman ako, Anshil. I think wala namang dapat ikagalit doon." "Meron! Hindi ka pa lubos na magaling, Milanie Feliz. Alam mo naman ang kondisyon ng katawan mo... ng ulo mo. Paano kung mahilo ka at matumba?" "Ang OA naman ng asawa mo, 'te," biglang kumento ng bata sa tabi ko. Gumawi ang tingin ni Anshil sa bata. "Sino siya, Milanie Feliz?" ani ng lalaki. "Siya si Bimbo... nagdesisyon akong ampunin na lang namin nila mommy." "What? Milanie Feliz, kaninong anak iyan?" mas lalo yata itong na stress. "Nagdesisyon kang ampunin na lang ninyo? Come on, Milanie! Kailangan mutual ang desisyon ninyo ng mommy mo. Hindi ikaw lang. Ibalik natin sa nanay n'ya iyan!" tumayo na ito at namewang sa harap ko. Agad ko namang inakbayan si Bimbo. "Sumama na sa ibang lalaki ang mama niya!" ani ko. "Ang tatay n'ya?" "Sumama na sa ibang lalaki. Kawawa naman siya, Anshil," sinulyapan ko si Bimbo. "Iyak ka! Para maawa ang fiance ko sa 'yo!" narinig ko ang malakas na tawa ni Blake sa gilid. Pati na ang marahas na pagsinghap ni Anshil. "Kuya, maawa na po kayo sa akin. Iiyak na po ako ha. Sabi po ni ate." "Jesus Christ!" stress na talaga si Anshil. Buti na lang at sobrang gwapo nito. "For sure may other relatives ka, bata," sinimangutan ko si Blake. "Wala na. Palaboy na siya rito!" asik ko sa lalaki. "Kawawa siya, Anshil. Please? Isama natin siya pauwi. Ibibigay ko siya kay mommy." Pakiusap ko sa nobyong parang gusto na akong tirisin. "Hindi gano'n kadali, Milanie---" "Then... gawin mong madali for me. Please?" ani ko rito. Napabuntonghininga ang lalaki. "Tsk. Kausapin natin ang mommy mo. Siya ang magdedesisyon d'yan, Milanie." Todo tango naman ako. Nang yayain na ako nitong umalis ay pinasakay ko na si Bimbo. Akmang sasakay na rin sana ako ng may napansin ako. Isang batang palaboy. Mukhang nahulaan ni Anshil ang nasa isip ko. Agad ako nitong iginiya para tuluyang sumakay. Saka isinara ang pinto nang nakalulan na rin ito. "Kawawa---" "Let's go!" ani ni Anshil sa driver. Nang umusad ang sasakyan ay sinulyapan ko si Bimbo. "'Te, napakaangas ng sasakyan. Anong trabaho ng jowa mo po? Drug lord po ba siya?" "I am what?" sinilip pa talaga ni Anshil ang bata. "Drug lord po ba kayo kaya maganda ang sasakyan n'yo?" "Of course not! Businessman ako, bata." "Ah, iyong mga drug lord po kasi rito sa amin ang may mga ganitong sasakyan. Napakaangas." "Milanie," tawag ni Blake sa akin. Nasa passenger seat ito. "Alam mo bang halos sakalin na ako nitong kaibigan kong ito dahil lang isinama kita sa company niya? Kasalanan ko raw kung bakit nawala ka!" "It's your fault naman talaga---" "Ay, tangina!" ani ni Blake. Napakamot pa sa ulo. "Huwag mong sabihin iyan, Milanie. Hindi pa ako napapatawad ng kaibigan ko. Baka talagang tapusin na niya ang friendship namin. Hindi ko gustong tumakas ka. Sinabi ko na magpa-park lang ako't hintayin mo ako. Ang tigas naman kasi ng ulo mo at hindi ka marunong makinig." "Is it my fault?" painosenteng tanong ko. "Yes!" ani nito. Tinignan ko si Anshil. Nagpaawa. "Kasalanan ni Blake. Kung hindi ka niya sinama sa company ay hindi sana nangyari ito." Napakamot sa ulo si Blake. Disappointed na hindi siya kinampihan ng kaibigan niya. "Oh, kasalanan mo pala eh!" ani ko. "Stop it, Milanie Feliz. May kasalanan ka rin. Kung hinintay mo lang sana si Blake ay hindi ka mapapadpad dito sa Santa Elena. God! Ano bang dapat kong gawin sa 'yo para hindi ka na tumakas?" "Huwag mo akong iwan... iniiwan mo kasi ako. Kaya hinahanap kita---" "Itigil mo iyang excuse na iyan. Kung talagang ako ang hanap mo ay hindi ka makakarating dito sa Santa Elena. Naintindihan ako?" nanulis ang nguso ko. Paawa na naman. "Galit ka sa akin, pogi?" "Hala! Si Ate pabebe naman." Side comment ng batang binitbit ko lang at for sure magiging instant billionaire's child na. "Tahimik ka muna. Kung hindi ako magpapabebe ngayon ay aabot hanggang sa bahay ang sermon sa akin," bulong ko kay Bimbo na pabibo. "Sige na nga," ani naman ng bata na nanahimik na. Sa biyahe namin pauwi ay nakatulog si Bimbo. Ako na pinipigilan ang sarili na makatulog ay hindi na napigilan ni Anshil na tanungin. "Bakit hindi ka matulog?" "It's either wala ka na sa tabi ko paggising ko or itinapon mo na iyong bubwit na souvenir ko sa trip kong ito." "Wow! Mukha bang souvenir ang batang iyan sa paningin mo, Milanie Feliz? Isang malaking responsibility iyan!" mahinang ani ng lalaki. "Saka kung mawala man ako sa paningin mo ay normal lang iyon. I need to work, woman. May responsibility ako sa company. Hindi ako pwedeng 24/7 ay nakadikit sa 'yo." "So, hindi mo naman talaga ako mahal?" "What? Paanong napunta ang usapan sa pagmamahal, Milanie Feliz?" "Kasi kung mahal mo ako ay hindi mo ako iiwan---" napahilot sa batok si Anshil. Napasipol naman si Blake na sure akong naririnig ang usapan namin ni Anshil. "Milanie Feliz, hindi porket nagtratrabaho ako ay hindi na kita mahal. I love you. Pero kailangan kong magtrabaho. Lalo pa ngayon... kailangan kong mag-ready ng pambayad sa abogado at pampiyansa mo dahil may mga trip ka ng ganito!" "No. Hindi mo ako mahal kaya kaya mo akong iwan!" "Damn! Daig ko pa ang mag-a-abroad kung makalitanya ka na kaya kitang iwanan. 30 minutes to 40 minutes drive lang naman ang pagitan natin dalawa!" "Ah, malapit lang?" ani ko. "Pero hindi mo pa rin ako kayang isama? Nahihiya ka ba sa mga tao dahil iyong fiancee mo ay bobo na ngayon?" malungkot na tanong ko. "Paanong naging bobo?" frustrated ng tanong nito sa akin. "Kasi hindi ko na maalala ang past ko... bobo." Hindi na napigilang ni Blake ang natawa sa takbo ng usapan namin ni Anshil. "f**k, woman! Of course not. Isa ka sa pinakamatalinong taong nakilala ko. Nawala ang alaala mo dahil sa aksidente. Hindi dahil bobo ka." Hinilot nito ang sintido. "Stress ka ba dahil kay Blake?" curious na tanong ko rito. Napalingon si Blake sa amin. "Dinamay mo pa ako!" "Hindi mo alam kung sino ang ang nagbibigay ng stress sa akin ngayon?" ani ni Anshil na hinawakan pa ang baba ko. Umiling ako. Aba'y malay ko ba kung sino ang nagbigay ng stress dito. Malabo namang ako. Masyado akong mabait para magbigay ng stress sa taong ito. "Ngayon ko lang nakita na ganyan ma-stress si Anshil. Ang tindi mo pala, Milanie." Ako ba? Tinignan ko si Anshil. Balak kong tanungin kung ako ba ang dahilan kung bakit ito stress. "Si Manong driver ba ang dahilan kung bakit stress ka?" Tengene! Ang taas ng pride ko. Hindi ko kayang idamay ang sarili ko. Well, alam ko naman kasing hindi ako ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD