Chapter Thirty-eight Nagbibiro lang naman ako. Pero mukhang nag-alala sila. Kailangan daw bantay sarado na ako para sa safety ko. Ilang araw kaming nakapirmi lang sa rest house. "Ayaw mo bang mamasyal?" si Anshil na tuloy ay nagtataka. Parang milagro na mas pinili kong pumirmi na lang talaga sa bahay. "Dito na lang, Anshil. Safety first," sagot ko rito saka ipinagpatuloy ang pagsuklay kay Betlog. "Safe ka naman kung kasama ako or ang mga bantay mo. Hindi naman pwedeng ikulong mo na lang ang sarili mo rito." Umupo ito sa tabi ko at kinuha si Lost-lost na agad sumiksik sa hita nito. "Pero mas safe at walang ginagambala isa man sa inyo kung nandito lang ako." "Milanie, wala kang ginagambala. I wanna go out. Kasama ka. Mag-date tayo. Wala kang dapat alalahanin dahil magagaling ang