Chapter Thirty-nine "Kausap ng dad mo si Anshil sa labas. Kumusta ka, anak?" ani ni mommy na umupo sa gilid ng hospital bed at hinawakan ang kamay ko. "M-ommy, gusto ko na pong umuwi. Isama n'yo na po ako ni daddy," nakikiusap na ani ko sa ina. "Pwede ko naman sabihin sa daddy at kay Anshil---" "Mommy, no... huwag kay Anshil. Mommy, mapapahamak si Anshil dahil sa akin. Mommy, huwag mong sabihin kay Anshil," sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Malinaw sa utak ko iyong nangyari kanina sa restaurant. Natatandaan ko. Sinabi ko lang kay Anshil na hindi pero sobrang linaw sa utak ko iyong violence na nangyari. "Calm down, anak. Iuuwi ka muna namin ng daddy mo kung iyan ang gusto mo. Pero kailangan nating sabihin kay Anshil na gusto mong umuwi sa bahay. Mag-aalala iyon kung basta mo na lang