Chapter Twenty-one Palabas na ng Hombre Fuerte Homes ang sasakyan namin nang humabol ang sasakyan ni Blake. Parang papatunayan ng lalaking ito na pwede siyang maging thirt wheel sa relasyon namin ni Anshil. "Tinatamad akong mag-drive. Sabay ako." Lumulan ito sa backseat. "May lakad pa kami, Blake. Ayos lang?" tanong ko rito na sinilip pa ito sa likuran. "It's fine," nagkatinginan kami ni Anshil. Pangiti-ngiti lang si Anshil. Walang balak magsabi ng ginawa ko. Nasa likod ng sasakyan ang 200 pcs. na tiramisu cake. Excited na akong ipamigay ang mga iyon. "Saan ba?" "Sa isang town na nadaraanan natin later. Pero for sure mabilis lang iyon," ani ko. "Okay," walang angal na ani ng lalaki. Napapapito si Anshil habang nagda-drive. Sa rearview mirror ay pansin ko ang nagtatakang tingin ni B