Chapter Thirty-four Napapakamot sa itlog si Anshil sa tuwing tinatawag ko si Lost-lost. Ewan ko ba sa lalaking ito. Hindi pabor sa mga ipinapangalan ko sa mga cat namin. "Darating ngayon iyong makakasama natin dito... magpakabait ka para hindi mag-resign agad. Naintindihan mo?" Tumingin ako sa mga pusa ko, tumingin din sila sa akin. Pareho pa silang umiling. "Hindi raw, Shil!" "f**k! Kailan ka pa humingi ng desisyon sa mga pusang iyan?" tumingin akong muli. Parehong ngumiti ang mga ito. Labas ang maliliit na ngipin. "Ngayon lang---" "Milanie!" "Hays! I'll try my best... but if my best is not enough---" "You'll still try, got it?" "Oo na hindi ko sure," kaya nag-walkout na ang lalaki. "Shil, linisin mo muna ang litter box nila. May tae na." "f**k!" mahinang ani ng lalaki. Nakasim