Chapter Fifty-four Okay na ang pakiramdam ko. Pero narito pa rin sa ospital dahil medyo OA si Anshil. Nabo-bore na nga ako at may naiisip ng kalokohan habang naka-steady lang sa silid na inuukupa ko. Kanina ko pa sinisipat ang gwapo kong asawa. Kausap nito sa phone si mommy at nagbibigay ng update regarding sa kalagayan ko. Okay na ako. Pero mag-stay pa raw kami kahit hanggang bukas to make sure lang na hindi na sasakit ang ulo ko. Nang lumingon si Anshil ay kinindatan ko ito. Saka ko pasimpleng inilihis ang kumot ko at humantad ang makinis kong legs. Mariing napalunok ang lalaki at nag-iwas agad ng tingin. Napahagikhik ako. Bukod kasi sa panonood ng movie ay wala na talaga akong ibang magawa. Napapagod na rin akong magpahinga. Yes, totoo iyan. Nang natapos si Anshil sa pakikipag-usap