Chapter Fifty-five Kumakain kami ng dinner nang biglang dumating si Bridgette sa kusina. "Hindi n'yo na ako kailangan harangin. Friend ko ang boss ninyo at okay lang sa kanya dati pa na pumasok ako," friendly naman ang boses ng babae pero pikang-pika talaga ako. Mukhang nasa sala pa lang si Bridgette. Pero naririnig namin dito sa dining room ang boses niya. "Andra, huwag mong hayaang makapasok dito," utos ni Anshil. Agad namang tumayo si Andra at lumakad patungo sa sala. Sinulyapan ko si Anshil. "Pwede mo namang labasin at kausapin, Anshil. I don't mind." "Tsk. You don't mind? Come on, Milanie Feliz. Nakakatakot kang magselos. Baka topakin ka na naman. Ayaw kong magkaroon ng problema dahil sa suggestion mo. Igigiya mo pa ako at bibigyan ng problema." "Baka naman iniisip mo na contro