Chapter Thirteen "Anong sabi mo? Baby?" nangingiting tanong ko rito. Iyong driver sa likod ay marahas na humihinga. Mukhang muntik mahulog ang puso niya. Si Anshil naman ay parang bato sa kinauupuan. Tulala. "Baby?" ulit kong tanong. "Milanie, baba!" ani ng lalaki. Ngunit dahil hindi ko narinig ang baby ay muli kong pinatakbo ang sasakyan. Napahiyaw na ang mga ito. For sure hindi takot si Anshil sa mabilis na takbo ng sasakyan. Takot ito dahil ako ang may hawak ng manibela. "Baby, stop!" muli kong iginilid ang sasakyan at inihinto. Dali-daling bumaba ang lalaki. Saka umikot sa driver seat at binuksan ang pinto. Inalis niya ang suot kong seatbelt at binuhat na lang ako na walang pasabi. Si Manong driver ay dali-dali namang bumaba at binuksan ang pinto sa side namin. Agad akong isinakay