Chapter Fourteen Hindi sumama si Bimbo sa amin. Kinausap namin ang tiyahin niya pero mariing tumutol ito. "May tatay pa iyan. Huwag ninyong ipilit ang gusto ninyo porke mayaman kayo't may pera. Subukan n'yong kunin ang batang iyan. Ipakukulong namin kayo." Iyon ang eksaktong sinabi ng tiyahin ni Bimbo kaya bigo kaming umuwi. Wala akong isa mang kinausap. Nilagpasan ko lang ang parents ko na naghihintay sa sala. Kahit tinawag ako ng mga ito ay para akong walang narinig. Iyong pakiramdam na binigo ko si Bimbo. Nasa dibdib ko iyon. Sobrang bigat. Sobrang lungkot. Si Anshil ang nagdala ng hapunan sa kwarto ko. Hindi ito umalis. Nangako itong mananatili sa tabi ko. Pero malungkot pa rin ako. "Anshil, dati ba'y malapit ang puso ko sa mga batang katulad ni Bimbo?" curious na tanong ko