Chapter Fifteen Dahil dati naman na raw akong nakakapunta sa Hombre Fuerte Homes ay hindi na ako idinaan sa mahigpit na security ng subdivision na iyon. Iyong nakasabay kasi namin kanina ay pinababa pa para lang sa information and fingerprint nito. Kami ni Anshil ay dere-deretso lang. Una naming pinuntahan ang bahay ni Anshil. Sobrang laki. Parang balak nitong mag-anak kami ng sampu dahil ang kwarto sa bahay nito ay eleven. Iiwan lang namin dito ang gamit namin saka kami pupunta sa birthday party ng kaibigan nito. "Sino bang may birthday?" curious na tanong ko. "Sina Mackenzie, Milanie Feliz." "Sila?" ani ko. "Quadruplets sila. Si Mackenzie, Faith, Hope, and Heaven." "Kilala ko ba sila at kilala ba nila ako?" "Kilala ka nila. Lahat dito'y kilala ka." Marahan nitong pinisi