Chapter Sixteen Halos bumaha ng alak sa mesa. Mga branded na alak iyon. Lahat matatapang. Unang tikim ko'y napangiwi agad ako. Pero nakita ko kasi na parang china-challenge nila ako kaya naman nagpakitang gilas ako. Sa unang mga alak ay medyo mainit talaga sa lalamunan ko. Pero parang agad nakapag-adjust ang lalamunan ko. Nakisama ba. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakikipagsabayan na ako sa kanila. "Milanie, sure ka na ba kay Anshil? Ang boring kaya ng lalaking iyon," ani ni Psyche na akala mo'y hindi niya kakambal ang lalaking iyon. "You know what... pinag-iisipan ko talagang palitan. Sino ba naman kasing matutuwa sa Milanie Feliz? Milanie Feliz! Hindi man lang ako matawag na baby!" ani ko. Akbay-akbay ko si Abra na katabi ko na sa upuan. "Aha! Kapag hindi ka kayang tawagin n