Naghintay si Helena at Axel sa isang area, kung saan tumatanggap ng bisita ang kulungang iyon. "Pansamantala lang naman sila dito, hon. Bali, ililipat sila next week kung saan sila nababagay. Hinihintay lang namin ang utos mula sa itaas, bago dalhin doon," kuwento ni Axel sa kan'ya habang naghihintay kay Winona. Bigla niya kasing natanong dito, kung dito na ba talaga sa kulungang ito ikukulong ang dalawa. Parang hindi safe ang lugar. Paano kung makatakas ang mga ito? Baka lang naman. Kagaya ng mga pinapanood niya sa TV. Si Winona ang unang pinatawag ni Axel. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa binata,at sa lalaking nakatayo sa gilid nito na nakauniporme. Nagtinginan lang ang mga ito tapos umalis na ang lalaki kapagkuwan, at bumalik, na kasama si Winona. “Sino ba kasi ang bisi-” Napa