Tanghali na ng magising kinabukasan si Helena. May lutong pagkain ng nakahain pagpasok niya sa kusina kaya napangiti siya. Nabanggit ni Nanay Norma na si Axel ang nagluto ng almusal bago umalis para pumasok ng trabaho Nagtitimpla siya ng kape nang pumasok ang Nanay Norma niya sa maliit na kusina nila. Tumabi ito sa kan'ya sabay nguso ng tiyan niya. "Buntis ka ba, anak?" malumanay na tanong nito. Bigla siyang natigilan sa tanong nito. "P-po?" Napahawak siya sa tiyan niya kapagkuwan. "Narinig kitang sumusuka kagabi. Iihi lang sana ako pero narinig kita, kayo ni Axel. Hindi ka naman maselan sa pagkain kaya nakakapagtaka," Napahawak siya countertop ng kusina at napatitig sa matanda. "'Nay..." "Si Axel na naman ba ang ama? Nasabi mo na rin ba ang tungkol kay Lexxie?" Hindi siya nakas