Chapter 29: GGSS

1631 Words

Napahawak siya sa braso ni Axel nang malanghap ang hininga nito. Lasang manok kaya at hindi niya nagustuhan ang amoy kay inipon niya ang laaks at mabilis na tinulak niya ito para paglayuin ang labi nila sabay hawak sa bibig para pigilan ang pakiramdam na parang nasusuka.  Lukot ang mukha ni Axel nang tingnan niya. Hinaplos pa nito ang labing basa. Akala niya ay hindi na siya makaramdam ng pagsusuka. Hindi pa man niya natatanggal sa bibig ang kamay nang makaramdam muli.  Mabilis na tinungo niya ang pinto at binuksan iyon sabay takbo papuntang kusina. "Hon!" dinig niyang tawag nito. Kaagad na pumuwesto siya sa sink at doon pinakawalan ang lahat. Hinawi niya ang buhok niya dahil baka matalsikan ng suka. Naramdaman niya ang paghagod ni Axel sa likod niya mayamaya. "Are you okay, hon?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD