Chapter 28: Playing Dumb

2129 Words

"Sino 'yon, anak?" wala sa sariling tanong niya dito. Iniwan sila saglit ni Axel para makapag-usap silang mag-ina. Narito sila ngayon sa silid na inuukopa ng anak. "Sino po ang tinutukoy niyo, 'Nay?" tanong ng anak sa lukot na mukha. "A-ahm, 'yong babaeng katabi ng Nanay ni Tatay Axel mo," aniya sabay tingin sa pintuan dahil baka nakasilip ang ama nito. "Ah, si Miss Samantha po. Sabi po ni Granny, siya daw po ang mapapangasawa ni Tatay." Nalungkot ito kapagkuwan. "Akala ko nga po, ikaw na ang papakasalan ni Tatay. Alam ko po na nagsisinungaling lang si Tatay sa tuwing sinasabing ikaw ang gusto niya, sinasabi lang po niya siguro para hindi ako malungkot," ani ng anak. Napaupo siya bigla sa sahig dahil sa sinabi nito. Fiancée pala ito ni Axel. Kaya pala. May mapapangasawa na pala talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD