Naalimpungatan si Helena nang makarinig sa labas ng kalabaog. Napahawak siya sa leeg kapagkuwan partikular na sa lalamunan. Pakiramdam niya nauuhaw siya. Napadaing siya kapagkuwan nang maramdaman ang pagsakit ng batok. Inilinga niya ang tingin. Hindi siya pamilyar sa silid na ito. Nasaan siya? Nasa Thailand pa rin ba siya? Natigilan siya ng maalala ang nangyari sa kan’ya. Ang huling naaalala nahimatay siya sa bisig ng koreanong iyon. Napabangon siya bigla at muling inilibot ang paningin. Pinakiramdaman niyang muli ang paligid baka nasa paligid lang ang Koreano. Sinilip pa niya ang sarili sa ilalim ng comforter. Nakabihis na siya pero wala naman siyang maramdamang masakit, o kung ano man sa katawan niya maliban nga sa batok niya. Patuloy pa rin ang komosyon sa labas kaya napakunot ang