Hindi maiwasang kagatin ni Helena ang mga kuko nang magsimula na ang bidding. Panay galaw niya sa mga tuhod para pakalmahain ang sarili pero lamang pa rin ang panginginig. Naikagat niya ang labi kapagkuwan. Hindi rin niya maiwasang mapalunok ng sunod-sunod nang makita ang actual na bidding. Hindi ito kagaya ng ini-expect niya. Hindi niya akalaing gagawin lahat ng ibang kasamahan maibenta lang ang sarili. Meron din namang nakatayo lang dahil siguro sa sobrang kaba. Anong buhay nga ba ang naghihintay sa kanila pagkalabas dito? Magiging normal kaya? Napapikit siya kapagkuwan. Mukha ni Lexxie ang laging pumapasok sa balintataw niya kapag pumipikit. Ang mga ngiti nito at mga paglalambing. Ilan lamang sa mamimiss niya sa anak kung sakaling hindi na siya makabalik sa piling nito. Napayakap si