Mabilis na dumapo sa mukha ni Axel ang kamay ni Helena nang matapos nitong sabihin iyon. Gulat na napatingin ito sa kan'ya, na sapo ang pisngi. Hindi siguro nito akalaing sasampalin niya. "Kahit ingudngod mo pa 'yang bibig mo sa akin hindi ako tutugon! Pare-parehas lang kayong mga lalaki!" aniya dito sabay tayo. "Hon," tawag nito sa mahinang boses. "Hon mo mukha mong manyakol ka!" gigil na baling niya dito. Napaawang lang ito ng labi sa sinabi niya. Totoo namana. Sinasamantala na naman nito ang katangahan at kahinaan niya. "Nakakainis," kausap niya sa sarili. Ilang beses niyang tinampal ang bibig sa sobrang inis. Dapat nagagalit siya ngayon kay Axel! Nadadala na naman siya sa mga salita nito. Dapat bumalik na lang siya kanina at hindi na ito hinintay. Ika-ika na bumalik siya sa pina