Umalingaw ang tunog ng baril at tumama iyon sa target na nakatayo. Ilang beses pa niyang pinaulanan iyon ng bala. Halos madurog iyon sa sobrang gigil niya. "Walang ibang dapat sisihin sa pagkawala niya kung hindi ikaw. Pinatagal mo pa kasi ang misyon." Pinukol niya ng masamang tingin si Greyhound na bagong dating. "Wala rin daw sa bagong bukas na casa sabi ng asset natin. Mahirap hanapin, Wolf." "F*ck!" Pabagsak na inilapag niya ang riffle na hawak. Tama bang ulit-ulitin iyon sa kan'ya? Damn! At ang mas ikinaiinis niya, wala silang ideya kung saan dinala si Helena. Wala silang pinaghihinalaan kung hindi si Winona. According sa audio na nakuha nila sa library ni Winona ay kinompronta ni si Helena tungkol sa relasyon nila na naging dahilan para umalis ito ng mga oras na iyon sa poder ni