"How dare you!" Kasabay niyon ang malakas na sampal nito sa pisngi niya. Sinapo niya iyon dahil sa sobrang lakas ng pagtama ng palad nito. Naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya. Matagal siya bago sumagot sa tanong nito kung sino ang babaeng nasa unang litratong hawak nito. Sinadya nitong ipakita ang naka-side-view na kuha para paaminin siya. Nanggalaiting binuklat nito isa-isa ang litrato sabay tingin sa kan'ya, na para bang sinasabing nariyan na ang ebidensiya, bakit hindi pa siya umamin. Kuha ang ilan noong namasyal sila sa Tagaytay. Sa mga sumunod na litrato ay halos lahat ng anggulo ay kita siya, ang anak at si Axel. Kuha iyon sa malapitan. May mga kuha din na nakasiklop ang kamay nila ni Axel. May pinakita pa ito na litrato. Papasok si Axel sa bahay nila at may dalang paperbag