Wala pang limang minutong nakaupo siya sa sofa ng headquarters ng Alleanza nang makatanggap ng tawag mula kay Hendrix. Hinihintay niya noon ang pagdating nila Fox at Greyhound. “F*ck! F*ck!” Hindi niya mapigilang hindi magmura nang sabihin ni Hendrix na nawawala si Helena. Mahigit 20 minutes na daw na nawawala ito kaya trinack niya kaagad ang location nito. May idinikit siya sa katawang nito kanina bago umalis kaya alam niyang reliable ang nakuha niyang impormasyon ng kinaroroonan nito. Napakunot-noo siya nang makita ang pamilyar na kinaroroonan nito. Malapit iyon sa bahay nila Winona kaya pina-check niya ang mismong location sa isang tauhan nila na naka-standby malapit doon. Parang gusto niyang pukpukin ang sarili niya ng mga sandaling iyon. Kasalanan na naman niya ang nangyari dahil