Panay ang tingin ni Helena sa binata habang nagmamaneho. Kagaya ng hiling niya, umuwi din sila agad. Malapit na sila sa Caloocan ng mga sandaling iyon. Wala pa rin itong imik. Pagkatapos niya itong sagutin sa tanong nito, hindi na siya nito kinausap. Naging civil na din ang pakikitungo ng binata sa kan’ya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Parang namiss niya bigla ang kaharutan nito. Ang yakap nito. Ang… halik nito. Pinilig niya ang ulo pagkatapos ng isiping iyon. Gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi dito, na hindi siya ang babaeng iyon. Pero may pumipigil sa kan’ya doon. Baka gawin lang kasi siya nitong parausan dahil minsan ng may nangyari sa kanila. Higit sa lahat, baka maging simula iyon ng pagtatanong nito kung kaninong anak ba si Lexxie. Pero gusto lang niyang protektahan a