Parang mauubusan siya ng lakas makipag-usap sa magnobyo kaya napa-oo na lang siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang cardigang suot ng makalabas ng tuluyan. Malamig kasi ang gabi. Nakakapanginig ng laman. Napatingin siya sa bulto ng binata ng makipag-unahan ito sa kan’ya. Napaangat siya ng kilay ng ipagbukas siya nito. “Salamat,” usal niya ng makaupo. Kaagad na kinapa niya ang seatbelt. Hindi niya makapa kaya inangat niya ang pang-upo. Naupuan niya lang pala. “Stop moving!” Natigilan siya ng marinig ang boses ng binata. Nabitawan niya tuloy ang belt na hawak dahil sa boses nito. Nakatagilid ang posisyon niya ng pumasok ang binata. Ang bilis naman kasi nitong makapasok. Gumalaw ang panga nito maging ang mata, na halata ang iritasyon. Napasinghap siya ng bigla ng nitong inilapit ang saril